MakeALessonPH
Prepared Lessons. Confident Teachers.
Handa na ang lesson plan mo bago pa magsimula ang linggo.
DepEd-compliant na ILAW format na DLP, DLL at PowerPoint — batay sa opisyal na Budget of Work, ginawa para sa inyong grade at subject.
Sa Messenger po lahat ng usapan at bayad. Walang checkout dito.
Ano ang makukuha niyo
Presyo ay kada lesson plan, kada araw ng turo.
DLP / DLL
₱140/ araw
Buong ILAW format na lesson plan — objectives, flow, activities, at assessment na may answer key.
PowerPoint
₱159/ araw
Slide deck na pang-turo mismo, hindi buod lang. May mga larawan at answer key slide.
Bundle
Sulit₱299₱249/ araw
Tipid ₱50 kada araw!
Lesson plan at PowerPoint na magkatugma — iisang aralin, dalawang file.
Paano po ito
- 1
Message kami sa Facebook
Sabihin lang ang grade level, subject, term at week. Kung may sarili kayong competency o larawan ng BOW, ipadala niyo rin.
- 2
Kami na ang bahala
Hahanapin namin ang tamang competency sa opisyal na DepEd Budget of Work, tapos isusulat ang buong aralin sa ILAW format.
- 3
Bayad sa GCash, tapos padala
Ibibigay namin ang GCash details sa chat. Pagkatapos ng bayad, ipapadala namin ang files na pwede niyo nang i-print o i-edit.
Bakit ito pasado sa DepEd
Hindi basta template. Naka-base sa mga aktwal na DepEd Order.
ILAW format
DepEd Order 016, s. 2026Ang opisyal na format na pumalit sa lumang DLL at DLP. Kumpleto ang bawat row — Intentions, Learning Experience, Assessment, Ways Forward.
Budget of Work
DepEd Order 009, s. 2026Naka-index sa amin ang opisyal na Three-Term Budget of Work, kaya galing mismo sa DepEd ang competency — hindi hula.
Declaration of AI use
DepEd Order 3, s. 2026, Annex ANakasulat na ang AI declaration sa dokumento. Required ito ng DepEd, at madalas ito ang nakakalimutan.
Mga madalas itanong
Para saan ang presyo? Kada linggo ba?+
Kada lesson plan, kada araw ng turo. Isang araw ng turo, isang dokumento. Kaya kung Lunes hanggang Biyernes ang kailangan niyo, lima iyon.
Gaano katagal bago matapos?+
Depende sa dami ng araw na kailangan niyo at kung gaano kami ka-busy sa araw na iyon. Sasabihin namin sa chat ang totoong oras bago kayo magbayad — hindi kami mangangako ng hindi namin kayang tuparin.
Paano kung wala sa Budget of Work ang competency ko?+
May mga subject na hindi hinati per week ng DepEd — gaya ng Filipino, GMRC, MAPEH at English sa mataas na grade. Ipadala niyo lang ang sarili niyong competency o screenshot ng BOW niyo, iyon ang susundin namin.
Pwede ko bang i-edit?+
Opo. Editable na file ang ipapadala namin, hindi naka-lock. Kayo pa rin po ang guro — dapat kayang baguhin ang kahit anong bahagi.
Pwede ba para sa demo o RECLASS?+
Opo, madalas iyan ang ipinapagawa sa amin. Sabihin niyo lang sa chat na demo o reclassification para mas mabigyan namin ng pansin ang flow at ang mga gamit sa pagtuturo.